^

PSN Palaro

Pampanga vs Olongapo

-
Sisikapin ng Pampanga na maduplika ang kanilang panalo sa muli nilang paghaharap ng Olongapo sa alas-6:30 ng gabi upang pansamantalang maokupahan ng Stars ang liderato sa North division ng MBA National Conference sa Olongapo Convention Center.

Ipinalasap ng Stars ang ikalawang sunod na pagkatalo ng Volunteers nang kanila itong pabagsakin sa una nilang paghaharap noong Hunyo 17 sa iskor na 105-91 na naglagay sa tropa ni coach Junel Baculi sa pakikisosyo sa ikalawang puwesto sa Batangas Blades matapos na iposte ang magkawangis na 2-2 record.

Sa kasalukuyan ang Stars ay mayroong 2-1 win loss slate at ang kanilang panalo ang siyang maghahatid naman sa kanila sa pangunguna.

Inaasahan na muling babanderahan ni Vincent John Santos ang kampanya ng Stars na siyang nahirang na Hardcourt Hero noong nakaraang linggo matapos niyang pangunahan ang kanyang koponan sa nasabing dalawang dikit na tagumpay.

Nauna rito, target naman ng Blades na makabangon mula sa kanilang dalawang sunod na pagkatalo sa nakatakdang pakikipaglaban kontra sa Pangasinan Waves sa alas-3:30 ng hapon.

vuukle comment

BATANGAS BLADES

HARDCOURT HERO

HUNYO

INAASAHAN

IPINALASAP

JUNEL BACULI

NATIONAL CONFERENCE

OLONGAPO CONVENTION CENTER

PANGASINAN WAVES

VINCENT JOHN SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with