^

PSN Palaro

3rd win at solo liderato asam ng Phone Pals

-
Ikatlong sunod na panalo na maghahatid sa kanila sa pansamanta-lang liderato ang nais puntiryahin ng Talk ‘N Text sa kanilang nakatakdang engkuwentro ng Sta. Lucia Realty sa PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome.

Ngunit tila hindi magiging madali para sa koponan ni coach Bill Bayno ang kanilang misyon, dahil siguradong haharangan sila ng Realtors na aasinta rin ng kanilang ikalawang dikit na panalo sa alas-7 ng gabing labanan upang makisosyo rin sa liderato.

Aasahan ni coach Norman Black para masundan ang kanilang 1-0 panimula ang shooter sa National Basketball League na si import Willie Farley para gumiya sa koponan katulong ang isa pang reinforcement na si Stephen Howard at si Marlou Aquino.

"He’s really a big time scorer in the NBL," wika ni Black kay Farley na nagpasiklab sa kanyang debut game matapos na humakot ng 31 puntos, 4 rebounds, 5 assists at 2 steals nang iposte ng Realtors ang kanilang 90-75 panalo kontra Purefoods Tender Juicy Hotdogs. "But the good thing is he fit well in our team," dagdag pa ni Black.

Galing naman ang Phone Pals sa impresibong 96-90 tagumpay kontra FedEx Express noong Linggo at inaasahan na ang panalong ito magbibigay sa bataan ni Bayno ng mataas na morale upang alisin ang tinik sa kanilang landas.

Siguradong itatapat ni Bayno sa game plan ng Realtors sina imports Jerald Honeycutt, Danny Johnson, Mark Telan, Elmer Lago, Gherome Ejercito at iba pa na tiyak namang kakayod ng husto sa opensa.

Sa kasalukuyang standings, kasosyo ng Phone Pals sa 2-0 kartada ang Tigers at Thunders, habang nasa ikalawang puwesto naman ang Realtors na may 1-0 slate. (Ulat ni Maribeth Repizo)

vuukle comment

BAYNO

BILL BAYNO

CUNETA ASTRODOME

DANNY JOHNSON

ELMER LAGO

GHEROME EJERCITO

JERALD HONEYCUTT

LUCIA REALTY

MARIBETH REPIZO

PHONE PALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with