Itoy sa kadahilanang ang mga koponang nakatunggali nila ay kapos sa malalaking tao.
Nang durugin nila ang FedEx Express, 110-82 noong Martes ay maliit ang isang import nitong si Jeremy Robinson na temporary lang ang status. Naghahanap pa si coach Derick Pumaren na matangkad na makakapareha ni Jermaine Walker.
Ang unang pinarating ng FedEx ay si Priest Lauderdale na may tangkad na 73. Kaya lang ay sumobra sa 13 feet and six inches na height limit ang tambalang Lauderdale at Walker. Si Walker ang pinanatili ng Express.
Kontra naman sa Shell Velocity na tinalo nila, 78-70 noong Sabadoy hindi din dominante ang mga imports ng Turbo Chargers na nakalasap ng ikalawang sunod na pagkabigo. Ani Reyes ay panay shooters ang pambato ng Shell Velocity at nakalamang ang Coca-Cola kung dominant big men ang pag-uusapan.
Kasi ngay matindi ang kumbinasyong Ron Hale, Jr. at Bryant Basemore. Alam na naman ng lahat ang kayang gawin ni Hale dahil natulungan niya ang Tigers na tumersera sa nagdaang Samsung-Governors Cup kung saan nakapareha niya si Roselle Ellis.
Bagamat mahusay si Ellis ay pinalitan pa rin siya ni Basemore na mas matangkad. "Pareho lang naman ang role nina Ellis at Basemore, eh. Pareho silang magaling na defensive players. Kailangan nga lang namin ng mas malaking defensive player ngayon dahil sa tumaas ang height limit sa conference na ito," ani Reyes.
At sa unang dalawang games ng Coca-Cola sa kasalukuyang conference, si Hale nga ang naging main weapon ng Tigers. Nag-average ito ng 27.5 puntos, 10.5 rebounds, 3.5 assists, isang steal, isang blocked shot at limang errors sa 33 minuto.
Nakuntento naman si Basemore na tumulong lang kay Hale at pahirapan ang mga kalabang nagtatangkang makapuntos sa shaded area. Pero sapat na rin naman ang average ni Basemore na 13 puntos, 10.5 rebounds, limang assists, 1.5 steals, tatlong blocked shots at 3.5 errors sa 34.5 minuto.
Ayon kay Reyes, kung nais nilang makarating sa Finals, kailangang patunayan nila na kaya nilang laruin ang mga "big boys." At sa darating na Sabado daw nila mararanasan ang tunay na "acid test." Sa araw na iyon ay maghaharap sila ng San Miguel Beer na tinalo nila sa battle for third ng nakaraang conference.
"Malaki ang bagong import ng San Miguel na si Art Long. At matindi yon. Sa 63 games ng Phoenix Suns noong isang taon ay 27 beses siyang naging starter. At hindi basta-basta ang kanyang performance dahil sa nag-average siya ng 16 minutes. Matindi iyon para sa isang ex-NBA player," ani Reyes.
Kung makakalusot daw ang Coca-Cola sa San Miguel Beer ay puwede nang mangarap ang Tigers na mamayagpag sa kasalukuyang conference.