Basketball Websites, Umuusbong
June 23, 2002 | 12:00am
Inilunsad na ng Shell Turbo Chargers ang kanilang website, www.turbochargers-pba.com ang kauna-unahang PBA team na mayroon nang sariling pupuntahan ng mga fans na gustong makadagdag sa kanilang kaalaman tungkol sa kanilang paboritong team. Nauna rito, ilang MBA teams tulad ng Cebuana Lhuillier Gems, RCPI Negros Slashers at LBC Batangas Blades ang nagtatag na ng sariling sites.
Sa website ng Shell, matatagpuan ang lahat ng impormasyon tungkol sa mga manlalaro. Puwede pang manalo ng ilang premyong Shell merchandise mula sa Adidas oras-oras. Puntahan lang ang site, magrehistro bilang miyembro ng kanilang club, at bibigyan kayo ng trivia question. Lahat ng mga kasagutan ay matatagpuan sa loob mismo ng site.
Kasama rin doon ang iba pang mga isinulat tungkol sa koponan sa iba-ibang pahayagan at magasin. May payo pa ang coaching staff ng Shell, sa pangunguna ni head coach Perry Ronquillo.
"Itoy isang paraan para mapalapit lalo ang mga fans ng Shell at maaari naming sagutin ng personal ang kanilang mga katanungan," paliwanag ni Bobby Villarosa, team manager ng Turbo Chargers. " Sa hinaharap, balak naming magdagdag ng chat session kasama ang mga manlalaro namin."
Isang magandang bahagi ng website ay mapapanood ang pinakamagagandang play ng Shell sa mga nakaraang laro nila sa pamamagitan ng streaming video. Bihira ang ganitong teknolohiya sa Pilipinas.
Sa malapit na hinaharap, magiging organisado na ang club ng mga gumagamit ng www.turbochargers-pba.com. Iniipon lang ng Shell ang mga pangalan ng mga dumadalaw sa site, at pag-uusapan kung paano pagagalawin ang grupo.
Sa panahong ito na ang website ay nagiging kalaban mismo ng live game ng PBA, magandang pangitain nito para sa PBA. Ginagamit na nila ang kakompetensiya nilang teknolohiya upang mapanatili kung di ay mapadami ang mga manonood nila.
May kasabihang "If you canbeat them, join them."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest