Sina Ducanes at Damu-ag na kapwa taga South Cotabato ay nakapasok sa finals matapos na igupo ang kani-kanilang kalaban noong isang araw sa Omerta Bugsy II Bar and Billiards sa 48 Examiner St., West Triangle, Quezon City.
Ito ang ikalawang sunod na finals appearance ni Ducanes matapos na matalo kay Eduardo Picoy Villanueva, 8-9 noong nakaraang linggo kung saan kanyang itinala ang 9-2 panalo kontra tubong Ba-tangas na si Andre Karnani.
Sa kabilang dako, nakakuha naman si Damu-ag ng lucky breaks sa huling tatlong racks upang payukurin ang professional cue artist Jojo Santos, 9-6 upang isaayos ang kanilang final showdown ni Ducanes sa event na ito na sponsored ng Barcelona Brandy, Robinsons Malls, Dream TV, Rommel Billiards, Colt 45, Adidas, Absolute Mineral Water at Omerta Bugsy II Bar and Billiards na pag-aari ni Perry Mariano.
Ang nasabing finals ay nakatakdang ipalabas sa National Broadcasting Network ngayon simula sa alas-3-hanggang alas-5 ng hapon.