^

PSN Palaro

Hotdogs pinulutan ng Realtors

-
Humataw si import William Farley sa paghakot ng 31 puntos upang ihatid ang Sta. Lucia Realty sa buwenamanong panalo sa PBA Sam-sung-Commissioners Cup laban sa Purefoods TJ Hotdogs, 90-75 sa Ynares Center sa Antipolo City kagabi.

Pinangunahan ni Farley ang isang 24-7 run sa huling bahagi ng ikaapat na quarter upang makaahon sa 8-point deficit ang Realtors na kanilang naging tuntungan upang silatin ang Governors Cup champion na TJ Hotdogs.

Kahanay na ngayon ng Sta. Lucia ang Talk ‘N Text Phone Pals, Coca-Cola Tigers at defending champion Batang Red Bull na dinomina at tinambakan ng mahigit 20 puntos ang kani-kanilang mga kalaban.

Binuksan ng Purefoods ang fourth quarter sa pamamagitan ng 12-2 run upang iposte ang 71-63 kalamangan ngunit kumulapso ang Purefoods at nalimitahan lamang sa apat na puntos mula rito na siyang naging tuntungan ng Sta. Lucia sa tagumpay.

Matapos magpasiklab sa kanilang unang asignatura, ikalawang sunod na panalo naman ang tutumbukin ng Coca-Cola Tigers at Talk ‘N Text na magpapalitan ng kalaban ngayon.

Sasagupain ng Tigers ang Shell sa ganap na alas-3:45 ng hapon na susundan naman ng pakikipaglaban ng Phone Pals sa FedEx Express sa dakong alas-5:45 ng hapon.

Ang Turbo Chargers ang naging biktima ng Phone Pals noong opening day, 72-89 habang hindi naman nakaporma ang Express sa Coca-Cola, 82-110 noong Martes.

Imbes na ang 6’9 na si Art Long, ang United States Basketball League Most Valuable Player na si Frantz Pierre-Louis ang isasalang ng FedEx kapalit ni Jeremy Robinson upang makatambal ni Jermaine Walker.

Si Pierre ay masusubukan nina Danny Johnson at Jerald Honeycutt na babandera naman sa Phone Pals.

May balitang maglalaro sa San Miguel si Long na inaasahang magpapalit ng parehong import matapos ang kanilang nakakadismayang debut game.(Ulat ni Carmela Ochoa)

vuukle comment

ANG TURBO CHARGERS

ANTIPOLO CITY

ART LONG

BATANG RED BULL

CARMELA OCHOA

COCA-COLA TIGERS

COMMISSIONERS CUP

DANNY JOHNSON

PHONE PALS

PUREFOODS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with