Bagong imports ipaparadda ng SMBeer at Alaska
June 20, 2002 | 12:00am
Mga bagong imports ang ipaparada ngayon ng Alaska Aces at San Miguel Beer sa kanilang unang asignatura sa PBA Samsung Commissioners Cup sa Cuneta Astrodome.
Wala nang Sean Chambers na masisilayan sa Alaska na kanilang iniretiro noong nakaraang taon ngunit umaasa ang Aces na maka-kadiskubre ng panibagong resident import sa katauhan nina Ajani Williams at Chris Carawell.
Hindi na rin magbabalik si Lamont Strothers sa Beermen na niretiro na rin kayat sina Damon Flint at Jermaine Tate ang makakapag-ahon sa Beermen.
Siguradong magpapasiklaban ang apat na imports na ito sa ikatlong game-day ng ikalawang kumperensiyang ito sa alas-7:00 ng gabi sa Cuneta Astrodome.
Sina Tate at Flint ay parehong galing sa University of Cincinnati ngu-nit ngayon lamang ito magkakasama sa isang koponan.
Ang 63 na si Flint ay ikaapat sa three-point shots ng Beercats sa kanyang 177 of 593 three point shooting at 407 assists habang si Tate ay kabilang sa starting unit ng Cincinnati na kinabibilangan ng NBA standout ngayon na si Ruben Patterson (Portland) at Danny Fortson (Golden State).
Si Carawell naman ay galing sa Duke kung saan siya ang ikalawang leading scorer sa starting unit. Habang si Williams, ay inilarawan ng mga scouts na isang excellent shot blocker at strong rebounder at mataas tumalon.
Sa larong ito, unang makakalaban nina Bryan Gahol at Robert Duat ang kani-kanilang dating koponan matapos ang naganap na trade sa pagitan ng Beermen at Aces.
Ang mananalo sa pagitan ng Beermen at Aces ay hahanay sa Talk N Text, Batang Red Bull at Coca-Cola Tigers na pare-parehong nanalo sa kani-kanilang unang asignatura.
Ang Phone Pals at Thunder ay namayani kontra sa Shell Velocity, 89-72 at Barangay Ginebra, 81-69 ayon sa pagkakasunod noong Linggo habang dinurog naman ng Tigers ang FedEx Express, 110-82 kamakalawa. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended