Limang beses sa isang linggo ang PBA. Puntahan pa kaya ito ng manonood?
June 18, 2002 | 12:00am
Nagsimula na ang ikalawang conference ng Philippine Basketball Association ang Commissioners Cup na muling sinusuportahan ng Samsung.
Pero ang nakakalungkot hindi na naibalik sa dati ang schedule ng games dahil nanatili itong katulad noong unang kumperensiya.
Pero ang mas nakakalungkot yung mga games tuwing Martes at Huwebes ay mas lalong gumabi pa na ngayon ay alas-7 na samantalang dati ay alas-6.
Nakakalungkot kasi, mas maagang nagsasara ng pahina ang mga tabloids kumpara sa broadsheet.
Naiintindihan namin na kaya ganito ang schedules nila ay upang mabigyan ng pagkakataong makapunta ang mga galing sa opisina.
Pero tulad nang mga nagdaan kong kolum, bakit naman pupuntahan ng tao ang isang laro lamang kung puwede naman nila itong mapanood sa television?
O di ba?
Mag-aaksaya ba akong gumastos kung isang game lang ang mapapanood ko kumpara kung weekends na may dalawang sets ng laro?
Di na no. Manonood na lang ako sa bahay. Wala ng pamasahe, mas komportable pa ako sa panonood dahil puwedeng nakahiga ako habang nanonood.
Sa loob ng isang linggo, dalawang araw lang ang pahinga ng PBA dahil kung may out-of-town games na ginaganap ito tuwing Sabado. Kaya ang games ay tuwing Martes, Huwebes, Biyernes, Sabado (kung may out-of-town) at Linggo.
Bakit kaya hindi na lang gawin isang linggo para araw-araw na lang eh may PBA Games?
Anong say nyo?
May nakapagsabi sa amin na ang siklistang Novo Viscayanong si Carlo Guieb ay nagsisimula na ng kanyang ensayo para paghandaan ang FedEx Tour sa susunod na taon.
Ang aga naman yata?
Siguro lang dapat mag-unti-unti na siyang magsanay, dahil hindi ito sumali sa dry run ng FedEx Tour ng nakaraang Calabarzon race
Anong sey mo Beth Repizo?
Pero ang nakakalungkot hindi na naibalik sa dati ang schedule ng games dahil nanatili itong katulad noong unang kumperensiya.
Pero ang mas nakakalungkot yung mga games tuwing Martes at Huwebes ay mas lalong gumabi pa na ngayon ay alas-7 na samantalang dati ay alas-6.
Nakakalungkot kasi, mas maagang nagsasara ng pahina ang mga tabloids kumpara sa broadsheet.
Naiintindihan namin na kaya ganito ang schedules nila ay upang mabigyan ng pagkakataong makapunta ang mga galing sa opisina.
Pero tulad nang mga nagdaan kong kolum, bakit naman pupuntahan ng tao ang isang laro lamang kung puwede naman nila itong mapanood sa television?
O di ba?
Mag-aaksaya ba akong gumastos kung isang game lang ang mapapanood ko kumpara kung weekends na may dalawang sets ng laro?
Di na no. Manonood na lang ako sa bahay. Wala ng pamasahe, mas komportable pa ako sa panonood dahil puwedeng nakahiga ako habang nanonood.
Sa loob ng isang linggo, dalawang araw lang ang pahinga ng PBA dahil kung may out-of-town games na ginaganap ito tuwing Sabado. Kaya ang games ay tuwing Martes, Huwebes, Biyernes, Sabado (kung may out-of-town) at Linggo.
Bakit kaya hindi na lang gawin isang linggo para araw-araw na lang eh may PBA Games?
Anong say nyo?
Ang aga naman yata?
Siguro lang dapat mag-unti-unti na siyang magsanay, dahil hindi ito sumali sa dry run ng FedEx Tour ng nakaraang Calabarzon race
Anong sey mo Beth Repizo?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest