Gayuma ng football
June 13, 2002 | 12:00am
Ngayong patapos na ang tag-init, sumisilab naman ang soccer, lalo na sa Visayas at Mindanao. Nagtayo ng bagong torneo ang Philippine Football Federation at Adidas, na tinawag na Adidas Lightning Football, na kasalukuyang ginaganap sa ibat ibang bahagi ng bansa.
"Binabalak din naming ayusin at pagandahin ang ilang mga sports complex dito sa Mindanao," lahad ni Rene Adad, pangulo ng PFF sa pagsisimula ng torneo sa Cagayan de Oro. "Alalahanin natin na ang Pilipinas ang nagtaguyod ng Asian Football Confederation noong 1954. Pero napag-iwanan na tayo."
Ang lightning football ay mas mabilis na uri ng soccer. Ang laruan ay one-third lamang ng laki ng karaniwang football field, at pito lamang ang naglalaro. Naglalabanan ang mga lahok sa tatlong dibisyon; below 15, below 19 at open. Dahil sa bilis ng laro nito, mahigit tatlumpung koponan ang kalahok sa paligsahang tumatagal lamang ng isang araw.
Ito marahil ang kasagutan sa paghina ng football sa mata ng mga manonood. Kung ihahambing nga naman ito sa basketbol at iba pang sport na sumisikat ngayon, matatalo ito. Mababa ang iskor. Nakabilad sa araw ang mga manonood. Malalayo ang mga manlalaro, kaya mahirap makita kung sino ang bida sa bawat team. Subalit, dala ng pagsibol ng beach football at, ngayon, ligthning soccer, yumayabong muli ang football.
Liban dito, malakas din ang pagtanggap ng mga manonood dito sa Pilipinas ng World Cup, na sa unang pagkakataon ay nakatapak sa Asya. Maging ang mga sari-saring damit, bola at paraphernalia na may kaugnayan sa World Cup ay napakalakas din ng benta.
Subalit malayo pa tayo sa pagiging superpower sa soccer. Sa World Cup, apat lang ang pumasok sa mga bansa ng rehiyon, kabilang na ang dalawang punong-abala, na siya na lang natitirang may pag-asa.
"Kapag naayos na natin ang mga pasilidad sa mga lalawigan, mas madali nang magkaroon ng mga importanteng laban dito," dagdag pa ni Adad. "Marami namang sports complex, pero napabayaan lang."
Salaysay naman ni Joaqui Preysler, na siyang chairman ng kumite sa futsal o indoor soccer, kailangan makita rin ng mga kabataan kung saan sila patutungo. Kayat sinikap niyang dalhin ang isang koponan ng mga batang nagkampeon dito sa isang torneo sa ibang bansa.
"Ngayon, alam ng mga bata kung saan sila pupunta kung magsikap lang sila," kuwento ni Preysler. "Sa ngayon, kailangan muna nilang maranasan ang pagrepresenta sa bansa. Sa susunod, makikita nilang kaya nilang makipagsabayan."
Sana, hindi matagal ang panahong iyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest