^

PSN Palaro

Kuwento ng kabayanihan

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Bago nagsimula ang PBA Governors Cup ay napabalita ang kabayanihan ni Jay Mendoza na nagligtas kay Mohammad Acha na dapat sana’y import ng Batang Red Bull. Si Acha ay biglang nag-collapse sa practice at natulala ang lahat ng miyembro ng Red Bull. Subalit may presence of mind si Mendoza na nagsagawa ng mouth-to-mouth resuscitation at cardio-pulmonary resuscitation.

Bunga ng kanyang kabayanihan ay pinarangalan ng PBA si Mendoza sa unang laro ng Red Bull sa nagdaang conference.

Puwes, heto na nama ang isang kuwento ng kabayanihan at malamang na parangalan din ng PBA sina Noy Castillo ng Purefoods TJ Hotdogs at ang kanilang trainer na si Mon Macatangay.

Noong Huwebes, habang sumasailalim sa isang therapy si Castillo sa pangangasiwa ni Macatangay sa may swimming pool ng EDSA Plaza Hotel ay may nalulunod na dalawang bata na may edad 10 at 12 anyos.

Ang dalawang bata ay sinaway ng lifeguard na pumunta sa malalim na bahagi ng pool na may 10 feet kung saan nandoon naman si Castillo at nagsasagawa ng exercises upang palakasin ang kanyang binti. Subalit sinuway ng mga bata ang utos ng lifeguard nang malingat ito. Mabuti na nga lang at nandoon sina Castillo at Macatangay dahil wala nang ibang gumagamit ng pool sa oras na iyon.

Magugunitang si Castillo ay inoperahan sa kanyang right toe sa US kung kaya’t hindi ito nakapaglaro sa Governors Cup. Nagkaganito man ay pinili siya ni Joseph Uichico na maging bahagi ng 15-man RP team na nagtungo sa Italy kamakailan. Hindi sumama sa Italian trip si Castillo dahil minabuti nina Uichico na ipagpatuloy na lamang nito ang therapy.

Ani Castillo ay nagulat siya nang senyasan siya ni Macatangay na nasa kabilang dulo ng pool at nakikipag-usap sa isa pang bata na may 15 anyos naman ang gulang. Nang sumisid si Castillo ay nakita nga niya ang dalawang bata na halos wala nang ulirat. Isinalba ni Castillo ang isang bata at nang naiahon na niya ito ay biglang tumalon si Macatangay sa pool kahit bihis na bihis ito upang isalba ang ikalawang bata.

"Hindi mo na maiisip na magtanggal pa ng mga bagay sa pantalon mo kapag ganoon ang nangyari. Life and death situation na iyon eh." ani Macatangay na nagsagawa din ng resuscitation sa mga bata. Sira ang cellphone at basang-basa ang kanyang pitaka’t mahahalagang dokumentong nasa bulsa pero okay lang daw iyon para kay Macatangay.

Hindi na raw kinuha nina Castillo at Macatangay ang mga detalye hinggil sa mga bata. Ang alam lang nila ay magpinsan ang mga ito na parehong Raymond ang pangalan. Iniwan sila ng mga magulang na nagshopping sa mall.

Bilang pasasalamat kay Macatangay ay pumayag ang pamunuan ng EDSA Plaza na palitan ang kanyang cellphone. Pero siyempre, kahit na palitan o hindi ang cellphone na iyon ay hindi na maiaalis sa dibdib ni Macatangay at Castillo ang magandang pakiramdam na dala ng pagkakaligtas sa dalawang buhay.

Mabuhay kayo!

vuukle comment

ANI CASTILLO

BATA

BATANG RED BULL

CASTILLO

GOVERNORS CUP

JAY MENDOZA

JOSEPH UICHICO

MACATANGAY

MENDOZA

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with