^

PSN Palaro

RP boxers sasabak na

-
SARAJEVO, Bosnia and Herzegovina -- Sisimulan ng apat na

miyembro ng Team Caltex Philippines ang kanilang kampanya sa ikawalong edisyon ng Memorial International Boxing Championships dito nitong Huwebes (Biyernes ng umaga sa Manila).

Mapapasabak sa telon sina featherweight Ferdie Gamo, bantamweight Jonard Ladon, lightweight Anthony Igusquiza ay light middleweight Christopher Camat kung saan dalawa sa kanila ay lalaban para sa finals berth at dalawa para sa semifinal seats.

Makakalaban ni Gamo ang Russian na si Romanerov Roman habang makakalaban naman ni Igusquiza ang Croatian Filip Palic sa dalawang semifinal bouts na magbubukas ng torneo na nilahukan na Team A mula sa anim na iba pang European nation kabilang ang host Bosnia and Herzegovina.

Makakalaban naman nina Ladon at Camat ang Croatian na si Bajrami Jetis at Goran Borevic ng Slovenia ayon sa pagkakasunod sa quarterfinal bouts.

Dahil sa suwerteng draw, ang RP team na ipinadala rito ng PSC bilang bahagi ng programa ng ABAP sa kanilang paghahanda para sa Asian Games, nakasiguro ang Philippines ng dalawang silver medal at tatlong bronze.

Pasok na sa finals sina flyweight Lhyven Salazar at flyweight Eugene Villanueva habang sina lightwelterweight Romeo Brin, Gamo at Igusquiza ay nakasiguro ng bronze makaraang makapasok sa semis ng kani-kanilang divisions.

ANTHONY IGUSQUIZA

ASIAN GAMES

BAJRAMI JETIS

BOSNIA AND HERZEGOVINA

CHRISTOPHER CAMAT

CROATIAN FILIP PALIC

EUGENE VILLANUEVA

FERDIE GAMO

GAMO

GORAN BOREVIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with