Ang 12-anyos na si Dacanay, kasalukuyang nag-aaral sa Colegio de San Agustin sa Makati ay kumulekta ng dalawang ginto kahapon mula sa 400m at 200m medley relay sa elementary boys upang idagdag sa kanyang nauna nang dalawang ginto na kanyang nasilo sa 200m freestyle at 50m breaststroke na kinapos lamang ng 1 se-gundo para tabunan ang dating meet record sa 200m freestyle.
Sa kasalukuyan, humahataw na ang NCR sa kanilang isinukbit na 12-golds, 5-silvers at 7-bronzes upang pangunahan ang elementary level, habang di rin nagpapahuli ang Southern Tagalog nang mangibabaw naman sa high school competitions sa kanilang 14-golds, 10-silvers at 8-bronzes habang ang Region 4 ay mayroong anim na golds.
Tila ibig sundan ang yapak ng retiradong si Elma Muros-Posadas, dalawang beses na tinabunan ng 18-gulang na tubong South Cota-bato na si Sibog ang dating marka sa triple jump na 11.99m na naitala ni Rodella Mejillano noong 1998 matapos iposte ang bagong meet record na 12.02m sa ikaapat na pagtalon, bago dinagdagan sa ikalima at final na talon na 12.03m na nagbigay sa kanya ng ika-lawang ginto.
Unang kumana si Sibog ng ginto sa pamamagitan na rin ng record-breaking performance na 5.66m sa long jump event kamakalawa.
Hindi rin nagpahuli si Roel Torres sa 1,500m run sa elementary boys nang sungkitin ang unang ginto ng ARMM sa tiyempong 34.8 segundo.
Sa iba pang resulta, nanalasa ang NCR sa gymnastics nang ibulsa ang gold sa elementary at secondary rhythmic team events mula kina Hennessey Buenafe na nanaig sa elementary individual all-around, habang si Jon Mari Tar ang siyang nagta-gumpay sa secondary bracket.
So boxing, sumuntok ang Southern Visayas ng tatlong golds mula kina Michael Canto (elementary 30kgs.) Rodolfo Tupaz (elementary 32kgs.) at B.J. Dolorosa (secondary mosquito-weight).
Isa naman ang nasa-pol ng Western Mindanao nang ma-mayani si Jun Rey Salvo sa 31kgs.
Umumit ng ginto si Fer-nando Lumacad ng Southern Mindanao sa 38kgs vacuum weight habang di rin nagpaiwan ang lahok ng Central Mindanao na si Reynaldo Caitom at Presto Donato ng Eastern Visayas na nanaig sa 39kgs at 40kgs, ayon sa pagkakasunod sa secondary level.
Sa taekwondo, ibinulsa ni Ken Zeami Pagdilao ng Central Luzon ang ginto sa finweight habang sinipa naman ni Percival Lobina ng Eastern Visayas ang gold sa bantamweight class.
Ang iba pang gold medalists ay sina Daryl Espino ng Southern Mindanao sa featherweight, Von Paulo Bearniza ng Western Visayas sa lightweight at Brix Darmo Ramos sa welterweight.(Ulat ni Maribeth Repizo)