7 footer ang import ng FedEx

Isang seven-footer ang kukuning import ng FedEx para sa kanilang kampanya sa ikalawang kumperensiya ng Philippine Basketball Association (PBA) ang Commissioner’s Cup na magbubukas sa June 16 sa Araneta Coliseum.

Isang 7-foot-3, 325 pounds National Basketball Association veteran na si Priest Lauderdale ang makakatambal ng prolific gunner na si Jermaine Walker na naging pambato ng Express sa Governors Cup.

Si Lauderdale, ay naglaro sa Central Estate University at may karanasan din sa Continental Basketball Association sa paglalaro sa Fort Wayne Fury at sa Real Madrid sa Spain.

Show comments