Ang panalo laban sa Blue Eagles sa alas-5:00 ng hapong engkuwentro ang magbibigay sa ICTSI Archers ng karapatang makisalo sa liderato.
Posibleng magkaroon ng three-way-tie sa pamumuno kung mananalo rin ang Kutitap Toothpaste laban sa Blu Detergent sa alas-3:00 ng hapon.
Ang Ateneo at La Salle ay parehong may 1-1 head-to-head record at sa di inaasahang pagkakataon, parehong liderato ang kanilang pinaglabanan sa mga nakaraang pagkikita.
Nanalo ang Ateneo sa unang pagsasagupa, 63-57 noong Abril 24 habang nakabawi naman ang Archers sa 73-64 panalo noong Mayo 8.