100 kids magtatapos sa Hoops School

Nakatakdang tumanggap ng Certificates of Completion ang unang 100 bilang na kabataang lalaki na nagpatala para sa anim na klase sa Meralco Gym ng First Bobby Parks Hoops School dahil sa kanilang pagdalo sa 6-session basic Basketball Program na alok ng naturang paaralan sa Hunyo 1 ng taong ito.

Tampok rin sa pagbibigay ng certificates ang iba’t ibang kompetisyon para sa mga enrollees gaya ng Three-Point Shootout, Three-on-Three, Five-on-Fives at ang Free Throw Contest. Ang iba pang award ay ipagkakaloob sa mga miyembro ng Mythical Five, Best Defensive Team at MVP. Imbitado ang ilang sikat na manlalaro ng basketball na dumalo sa okasyong ito.

Nakatakda ring ipakikila ng Hoops School ang Advance Basketball Program at Position Specialization Programs para sa Big Men (centers) para sa forwards at guards.

Layunin ng Hoops Schools na maturuan ang mga kabataan na itama ang paraan ng kanilang paglalaro ng basketball hindi lang para sa ‘physical’ na kinasasangkutan ng larong basketball kundi para rin sa kanilang mental aspect.

Ang Hoops School ay itinatag ni PBA seven-time Best Import Bobby Parks at dating Shell PBA Manager at PBL Commissioner Charlie Favis na hatid ng Mossimo, Purefoods, Burlington Sports Socks, Gatorade, Molten Basketball, Converse at Konka Television Sets.

Show comments