^

PSN Palaro

Game 1: Negros kontra Batangas

-
Paborito ang Negros Slashers na maisubi ang korona sa kanilang nakatakdang engkuwentro ng Batangas Blades sa alas-6 ng gabi sa pagbubukas ngayon ng kanilang titular showdown para sa MBA First Conference na gaganapin sa University of St. La Salle Coliseum dito.

Talunan ng Blades noong nakaraang national finals, mas higit na pinalakas ngayon ng Slashers ang kanilang rosters upang maiwasan ang kanilang sinapit na kabiguan sa huli nilang paghaharap kung saan wala na ang sentrong si Romel Adducul na nagpahirap sa kanila.

Dahil sa pangunguna ng Slashers sa elimination phase sa Southern Conference, nakopo nila ang homecourt advantage sa kanilang knockout semifinal nang kanilang igupo ang Professional Davao Eagles, 93-90 noong Mayo 18.

Taliwas naman ito sa Blades na kinailangang bumangon matapos na matalo ang unang dalawang laro bago nila tuluyang napatalsik ang Olongapo Volunteers, 76-75 noong Mayo 19.

Samantala, inimbitahan ng Basketball Association of the Philippines (BAP) ang Metropolitan Basketball Association (MBA) na katawanin ang bansa sa nalalapit na Jones Cup sa Taiwan sa Hulyo 13-24.

Ipinarating nina BAP President Quinteliano Literal at Secretary-General Graham Lim ang imbitasyon kay MBA Commissioner Joaquin Loyzaga noong isang araw. Ang nasabing annual tournament ay ginaganap bilang pagbibigay parangal sa FIBA’s first President R. William Jones at kinukunsidera na isa sa pinaka-prestihiyosong events sa Asia.

Matatandaan na kinatawan ng MBA ang bansa sa huling tatlong edisyon ng Jones Cup. Una ang Iloilo Megavoltz na lumahok noong 1999 subalit ang kanilang pagsabak ay tinampukan ng free for all kontra Chinese Taipei.

Niliwanag rin ni Loyzaga na hindi pa tuluyang isinasara ng MBA ang kanilang pinto para sa nasabing imbitasyon.

vuukle comment

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BATANGAS BLADES

CHINESE TAIPEI

COMMISSIONER JOAQUIN LOYZAGA

FIRST CONFERENCE

ILOILO MEGAVOLTZ

JONES CUP

KANILANG

METROPOLITAN BASKETBALL ASSOCIATION

NEGROS SLASHERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with