Espinosa pinatulog ang Columbian boxer
May 25, 2002 | 12:00am
Isang pangako ang tinupad ni dating two-time world champions Luisito Espinosa hindi lang para sa kanya, kundi para sa sambayanang Pilipino.
At kahapon ng umaga, walang sinayang na pagkakataon ang 34-anyos na si Espinosa nang isang matagumpay na pagbabalik sa ibabaw ng lona ang kanyang isinagawa nang kanyang itala ang impresibong panalo sa 10-round non-title bout kontra sa dati ring two-time world title challenger Ever Beleno ng Cartagena, Colombia.
Isang solidong kaliwa ang pinatama ni Espinosa sa panga ni Beleno ang naging daan upang ma-knockout niya ito sa .42 segundo ng second round.
Sa umpisa pa lamang ng labanan, agad na kinakitaan si Espinosa ng matinding determinasyon na muling makabalik sa kanyang boxing career nang paulanan niya ito ng mga matitinding kumbinasyon sa tiyan at mukha upang unti-unting magiba ang dibdib.
At sa unang round, isang left hook ni Espinosa ang dumapo sa dibdib ni Beleno dahilan upang mapaluhod ito sa canvass na kanyang sinamantala upang sundan ng isa pang matinding suntok sa panga na naging daan tungo sa kanyang panalo.
Ang panalong ito ni Espinosa na magdiriwang ng kanyang ika-35 kaa-rawan sa Hunyo 26 at kasalukuyang naninirahan sa Pacifica, California ang nagpaganda ng kanyang ring record sa 46 panalo at 10 talo na may 24 knockouts, habang nalasap naman ni Beleno ang kanyang ika-10th talo sa likod ng 39-panalo na tinampukan ng 35KOs.
Hindi lang pagpapaganda ng ring record ang naging bunga ng tagum-pay na ito ni Espinosa kundi magbibigay ito sa kanya ng isang malaking tsansa na makaharap si International Boxing Federation featherweight champion Johnny Tapia para sa title bout kung saan ang iniingatan nitong korona ay dating hinawakan ni Espinosa noong 1996.
Napasakamay ni Tapia ang nasabing titulo makaraang talunin si Manuel Medina sa pamamagitan ng kontrobersiyal na desisyon noong Abril 27.
Si Tapia ay nag-iingat ng impresibong record na 52-2-2, win-loss-draw.
Ito ang kauna-unahang laban ni Espinosa sapul ng mamahinga ng 16-buwan kung saan namamasukan ito bilang isang bar tender sa isang club sa California upang tustusan ang kanyang pamilya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am