^

PSN Palaro

Pagsali ng RP-5 sa Italy hanap ay karanasan

-
Sapat na karanasan ang habol ng RP Team sa kanilang pakikibahagi sa tatlong araw na torneo sa Milan, Italy sa June 2.

Ito ang pahayag ni PBA Commissioner Jun Bernardino na panauhin kahapon sa lingguhang Philippine Sportswriters Association Sports Forum sa Holiday Inn.

"Our main thrust why we will play in Italy is not only to win games but also to gain enough experience," ani Bernardino na kasamang panauhin ng isa pang PBA official na si Sonny Barrios at ang top honcho ng Viva-Vintage na si Bobong Velez.

Kasama rin ng mga opisyal ng PBA si Elmer Yanga ng Selecta na nagbigay ng P1.5 milyong suporta na siyang dadalhing pangalan ng RP squad para sa ikalawang kumperensiyang Commissioners Cup na magsisimula sa Hunyo 16.

Ang Viva-Vintage ay siyang kokober ng pakikibahagi ng Pambansang koponan sa Italy na kanilang isasahimpapawid sa pamamagitan ng delayed telecast.

Apat na koponan ang makakalaban ng RP-Selecta, isang club team ng Milan at tatlong European squad.

Hindi kasama sa programa ng preparasyon ng RP Team para sa Asian Games na gaganapin sa Busan, South Korea sa September ang exhibition games na ito sa Italy ngunit ayon kay Bernardino ay isang magandang pagkakataon ito para lalong mahasa ang mga miyem-bro ng Pambansang koponan.

"While this is not a part of the calendar of the National team, this is a blessing that has come our way," ani Bernardino.

Kinumpirma rin ni Bernardino na hindi na tutuloy sa pakikilahok ang National team sa Jones Cup na karaniwang ginagawa bilang preparasyon para sa Asian Games.

"Conflict kasi sa schedule ng second conference which will start on June 16 ang duration ng Jones Cup kaya we decided to cancel our participation in the Jones Cup tournament," paliwanag ni Bernardino.

Ukol sa pagpapalit ng schedule ng PBA games na ginawang isang laro tuwing Martes at Huwebes at tigalawang laro sa Sabado at Linggo mula sa dating Wednesday, Friday at Sunday two-game schedule, sinabi ni Bernardino na nakaapekto ang pang-ekonomiyang krisis kaya’t hindi ito naging epektibo.

"We’re really trying to get back the old schedule pero mahirap pang gawin iyon. Kung hindi mababalik this year, definitely next year na."(Carmela V. Ochoa)

vuukle comment

ANG VIVA-VINTAGE

ASIAN GAMES

BERNARDINO

BOBONG VELEZ

CARMELA V

COMMISSIONER JUN BERNARDINO

COMMISSIONERS CUP

ELMER YANGA

JONES CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with