John-O talsik sa Kutitap
May 21, 2002 | 12:00am
Kinumpleto ng Kutitap Toothpaste ang cast ng five-team semifinals ng 2002 PBLChairmans Cup nang kanilang patalsikin ang John-O, 92-84 sa kanilang play-off kagabi sa Pasig Sports Center.
Pinakawalan ni Ryan Dy ang huling anim na puntos ng Kutitap para kumpletuhin ang kanyang 12 points performance na naging tuntungan ng Teeth Sparklers sa kanilang tagumpay.
Ngunit di maisasantabi ang naging kontribusyon ni Mark Saquilayan sa paghakot ng 25-puntos, 3 rebounds at tigalawang assists at steals upang okupahan ang ikalima at huling slot sa susunod na round.
Makakasama ng Teeth Sparklers sa semis ang mga nakauna nang ICTSI-La Salle, Ateneo-Hapee, defending champion Shark Energy Drinks at Blu Sun Power.
Muntik nang mauwi sa wala ang naipundar na 11-puntos na kalama-ngan ng Kutitap, 70-59 sa ikatlong quarter nang kanilang hayaang makalapit ang John-O sa final canto.
Naibaba ng John-O sa dalawang puntos ang kalamangan ng Kutitap, 84-82 matapos ang 8-1 run at nanatiling nakadikit sa 84-86 matapos ang basket ni Bong Salvador sa huling 35 segundo ng labanan ngunit sa puntong ito ay umangat na si Dy.
Bubuksan ang semis bukas na bubungaran ng engkuwentro ng Archers at Kutitap kasunod ang sagupaan ng Power Boosters at Detergent Kings sa Makati Coliseum.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended