Blades napurol sa Volunteers

LIPA CITY, Batangas -- Kumana ng krusiyal na basket si Brixter Encarnacion nang pabagsakin ng Olongapo Volunteers ang LBC-Batangas, 93-78 kagabi at pangunahan ang North qualifier sa MBA First Conference sa Lipa Youth and Cultural Center.

Samantala, isinara ng Cebuana Lhuillier ang kanilang kampanya sa first round makaraang ibagsak ang 78-70 paghihiganti sa RCPI-Negros noong Sabado ng gabi sa University of St. La Salle gym sa Bacolod City.

Ang 6-4 na si Encarnacion ay kumana ng off-balanced triple para ibigay sa Volunteers ang 84-71 abante may tatlong minuto na lamang ang nalalabi sa laro.

Ag pinaka-importante, nakuha ng Volunteers ang homecourt at psychological advantage sa kanilang knockout semifinal game sa Mayo 19.

Tinalo din ng Olongapo ang LBC-Batangas, 90-85 sa kanilang unang pagtatagpo noong Abril 7 sa Olongapo Convention Center.

Show comments