^

PSN Palaro

RP Youth dinagit ng Ateneo Blue Eagles

-
Naging magaan ang paglilista ng Ateneo-Hapee ng kanilang ika-anim na panalo nang kanilang pasadsarin ang RP-Burlington Team, 99-71 sa pagpapatuloy ng eliminations ng 2002 PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum kahapon.

Tumatag ang Blue Eagles sa ikalawang puwesto taglay ang kanilang 6-3 kartada na naglapit sa kanila sa semifinal round at lalo namang nagbaon sa RP-Youth team na nagsasanay para sa kanilang partisi-pasyon sa SEABA Juniors Championships sa Setyembre sa Kuala Lumpur, Malaysia sa ikapitong sunod na pagkatalo sa gayunding dami ng laro.

Pinangunahan ni Jeremy Aniciete ang pananalasa ng Ateneo sa kanyang hinakot na 22-puntos, 14 nito sa unang canto nang agad umarangkada ang Eagles upang kunin ang 20-puntos na kalamangan, 34-14.

Katulong ni Aniciete na mayroon ding 4-rebounds, 5-assists at 2-steals ay sina Enrico Villanueva at Jec-Jec Chia na may 17 at 16-puntos, ayon sa pagkakasunod habang nagtala naman ng 11-puntos si Mark Benitez.

Habang sinusulat ang balitang ito ay kasalukuyang naglalaban ang Ana Freezers at John-O na susundan naman ng pakikipaglaban ng league-leader ICTSI-La Salle kontra sa Blu Detergent.

Nangalahati ang kalamangan ng Ateneo matapos ang tatlong quarters, 84-42 bago nagsagawa ng magandang oposisyon ang RP-Youth sa pamamagitan ng kanilang 29-puntos na produksiyon sa ikaapat na quarter kumpara lamang sa 15 ng Ateneo ngunit hindi sapat ang kanilang naging produksiyon upang baligtarin ang resulta ng laro.

Bukod sa dominado ng Ateneo ang laro, batay sa kanilang 43% field goal shooting, 39-of-91 kumpara sa 35% lamang ng RP-Youth, 26-of-74, ay llamado rin ang Eagles sa rebounds, 61-46, assists, 27-14.

ANA FREEZERS

ATENEO

BLU DETERGENT

BLUE EAGLES

BURLINGTON TEAM

ENRICO VILLANUEVA

JEC-JEC CHIA

JEREMY ANICIETE

JUNIORS CHAMPIONSHIPS

KANILANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with