Malalaman ito sa pagpapatuloy ng kanilang semifinal series kontra sa magkahiwalay na kalaban sa Game Four ngayon sa Araneta Coliseum.
Unang sasalang ang Beermen na muling haharap sa Alaska Aces sa ganap na alas-6:00 ng gabi habang isusunod naman ang pakikipagduwelo ng TJ Hotdogs sa isa pang koponang hawak ng San Miguel Corporation, ang Coca-Cola Tigers sa dakong alas-8:00 ng gabi.
Kapwa taglay ng Purefoods at SMBeer ang bentaheng 2-1 panalo-talo sa kani-kanilang best-of-five semifinal series at ang kanilang panalo ngayon ang magluluklok sa kanila sa best-of-seven titular showdown.
Pinigilan ng Coke ang pag-sweep ng Purefoods sa semis series sa pamamagitan ng 77-72 panalo sa Game Three kamakalawa matapos makauna ang TJ Hotdogs sa 89-69 Game-One at 84-75 sa Game Two.
"Going into Game Four, my concern is if we can sustain the kind of energy we showed in Game Three. All we want to do is to make sure we empty the cupboard from now on. The players know that if we lose, theres no tomorrow anymore so we have to make sure that after the game, when we return to the locker room, wala ng gasolina sa tanke," ani Tiger coach Chot Reyes.
Makaraang itabla ng Alaska ang serye sa 1-1, nakuha naman ng Beer-men ang bentahe sa serye matapos ang 68-61 panalo sa likod ng 5-point performance ni Lamont Strothers.
"You can never count out Alaska. Sometimes, you think youre ahead already pero bumabalik agad sila because of their patience and experience," wika ni Siot Tanquincen.
Inaasahang kakaibang Lamont Strothers ang masisilayan ngayon matapos magtala lamang ng average na 9-puntos sa huling tatlong laro sa semis.
"For sure, Lamont is no quitter. Usually, when the playoffs come around, he becomes a tougher player. Even now, when hes struggling, he become a more vocal leader of the team. Hes acting as a stabilizer even if his scoring has gone down," ani Tanquincen, para patunayan din na wala silang balak na palitan i Strothers sa kalagitnaan ng playoffs. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)