Ikalawang gold isinukbit ni Bulauitan
May 4, 2002 | 12:00am
Naisukbit ni Lerma Bulauitan ang kanyang ikalawang gintong medalya nang mamayagpag ito sa womens 100meter dash sa ikatlong araw ng aksiyon sa 2002 Milo National Invitational Track and Field Open-Gov. Sering Cup sa Rizal Memorial track oval kaha-pon.
Tinakbo ng 27 anyos na si Bulauitan na kumakatawan ng Philippine Army ang century dash sa loob ng 11.86 se-gundo para masundan ang kanyang naunang ginto sa kanyang personal record breaking performance sa womens long jump kamakalawa.
"Okay lang yung time kasi against the wind naman yung takbo. Pero siyempre, may kasama ring suwerte itong panalo ko," ani Bulauitan na napasubsob sa simula ng karera sanhi ng kanyang mabagal na simula.
Tinalo ni Bulauitan si Orranut Klomdee ng Thailand na nagkasya sa silver medal sa kanyang naisumiteng 11.91 segundo habang ang bronze medal ay napunta naman kay Chaturangani ng Sri Lanka sa kan-yang oras na 12.34.
Si Bulauitan ay kasama sa athletics team na sasabak sa Asian Games sa Busan, South Korea sa darating na September ngunit higit nitong paghahandaan ang kanyang paboritong event na long jump. Bahagi ng kanyang preparasyon ang Asian Championships sa Agosto sa Sri Lanka at sa Asian Grand Prix sa Mayo sa huling linggo ng Mayo dito sa bansa.
Nakadalawang ginto rin si John Albert Ferrera, nakababatang kapatid ng national team member na si Arnel Ferrera, matapos mamayagpag sa boys discuss throw sa kanyang naitalang 36.68 metro matapos unang maka-gold sa hammer throw kamakalawa.
Nagtala rin ng bagong juniors records ang La Salle relay team na kinabibilangan nina Ralph Saquila-yan, Vinzon Alday, Florencio Sollana at Melchor Ayon-ayon sa kanilang oras na 42.16 para higitan ang da-ting markang 43.14.(Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest