Ito ang malakas na loob na hamon ni Cynthia Carrion, ang lady commissioner ng Philippine Sports Commission na hiniling na palitan ng PSC Chairman Eric Buhain kasama ng iba pang Commissioners sa Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
"If they are sure of their accusations against me and if its true that they are ready for the consequences of their actions, let us all submit our resignation. I am willing to do that for the sake of the President," ani Carrion.
Binatikos din ni Carrion na hindi lingid sa lahat ay malapit na kaibigan ng Pangulo, ang mga akusasyon sa kanya ng grupo ni Buhain kasama ang mga Commissioners na sina Butch Ramirez, Leon Montemayor at Ritchie Garcia.
Itinanggi ni Carrion ang maling paggamit ng pondo ng PSC gayundin ang pag-gamit ng pangalan ng Pangulong Arroyo para sa kanyang mga proyekto para sa sports habang sinabi rin nitong tinanggal na niya ang inirereklamong executive assistant nitong si Agnes Cruz na nanatili pa rin sa posisyon sa likod ng kanyang mga unliquidated accounts.
Ukol sa P5.3 milyong pondo na ipinagkaloob ng PSC kay Carrion para sa selebrasyon ng Womens Day, ayon kay Carrion, "They claim they only approved the budget, because I said it was for the President. They also say the matter is outside of bounds of the PSC which is clearly not. If it were, why did they approve the budget and agree to the release of the first P280,000 for the Women in Sports Day - a program the PSC is mandated to support- which was attended by the President and 2,000 sports women," ani Carrion.
Sinabi rin ni Carrion na wala itong kinalaman sa akusasyon ni Buhain na malversation of fund na nagkakahalaga ng P200,000 ngunit ayon kay Buhain, ipinasa na nila sa Malacañang kahapon ang mga dokumentong magpapatunay nito pati na rin ang kanilang reklamo sa Usurpation of authority laban kay Cruz.
Tinanggal na ni Carrion si Cruz sa posisyon noon pang nakaraang linggo matapos nitong mapag-alamang lumagda ito ng mga doku-mento para sa kanya. "I immediately let go of her the moment I learned about her signing documents on my behalf.
Ayon kay Carrion, ipinasa na rin nito sa Malacañang ang kanyang mga kasagutan sa mga akusasyon laban sa kanya.
Sinabi ni Carrion na malaki ang pinagbago ni Buhain sapul nang umupo ito bilang Chairman. "Hes like a monster. I cant recognize him anymore.
Why is it that with a little power, he turned into a totally different person," wika nito na isa sa mga nagrekomenda kay Buhain para sa posisyon. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)