^

PSN Palaro

12 bansa kasali sa Gov. Sering Cup

-
Mahigit sa 1,000 atleta mula sa 12 bansa ang magtitipon-tipon ngayon para sa pinakamalaking track and field event sa pagbubukas ng hostilidad ng 2002 Milo National Open-1st Gov. Sering Cup International Invitational sa Rizal Memorial Track Oval.

Ang nasabing dual event ay hatid ng Philippine Sports Commission (PSC) at magbibigay parangal sa dating Philippine Olympic Committee (POC) president at founder ng Asian Amateur Athletics Association (4As) Gov. Jose Sering na yumao noong Peb. 14.

Ang mga bansang inaasahang lalahok sa dual meet na ito ang Sri Lanka, Papua New Guinea, Thailand, Malaysia, Singapore, Hongkong, Vietnam, Indonesia, Sabah-Malaysia, Chinese-Taipei at Brunei.

At sa 11 bansa , sinabi ni Go na ang mga atletang mula sa Thailand, Papua New Guinea at Sri Lanka ang inaasahang magpapakitang gilas sa apat na araw na event na ito na magbibigay ng tribute kay Gov. Sering sa Mayo 3 sa Century Park Sheraton Hotel.

Mangunguna sa kampanya ng bansa ang mga miyembro ng national pool at SEA Games gold medal winners Eduardo Buenavista, Lerma Bulauitan, Roy Vence, Cristabel Martes at ang magkapatid na Fidel at Dandy Gallenero.

Ang naturang meet angsiyang magiging basehan para sa local athletes na kanilang ipadadala sa Asiad sa Busan, South Korea sa Sept. 29-Oct. 14.

ASIAN AMATEUR ATHLETICS ASSOCIATION

CENTURY PARK SHERATON HOTEL

CRISTABEL MARTES

DANDY GALLENERO

EDUARDO BUENAVISTA

JOSE SERING

LERMA BULAUITAN

MILO NATIONAL OPEN

PAPUA NEW GUINEA

SRI LANKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with