Ang bagong Tour na kikilalanin bilang FedEx Express Tour ay sisimulan sa pamamagitan ng Tour of Calabarzon na gaganapin sa Mayo 30-June 2.
"It will take us maybe P300 million to support the national team and the FedEx Tour for the next five years," pahayag ni Airfreight 2100, Inc. chairman Bert Lina na nagdiwang ng kanyang kaarawan kahapon sa press conference na ginanap sa Alabang and Country Club.
"We are excited about the opportunity to revive the sport of cycling through FedEx Express Tour. Hopefully, through this event, we will move towards being a cycling powerhouse in Southeast Asia, in Asia and even in the World," dagdag pa ni Lina.
Magkakaroon ng mga pagbabago mula sa dating Marlboro Tour na 22-taong itinaguyod ang naturang summer event gaya ng karagdagan sa prize money para sa isang siklistang makakaabot sa required speed at time parks na itatakda ng Professional Cycling Association of the Philippines na siyang race manager.
"We will be putting a few changes from the past Tour but all of those will be done to ensure that every year, our cyclist will have an incentive to improve," wika naman ni Lito Alvarez, ang presidente ng Airfreight 2100, Inc., at organizer ng Tour of Calabarzon.
Sa naturang press conference, isinagawa ang simbolikong pagpapasa ng checkered flag mula kay Quito Da Rosa, dating marketing director ng nakaraang tour, kay Lina na siyang bagong godfather ng cycling.
Bukod kina Lina, Alvarez at Da Rosa, dumalo rin sa press conference sina dating Marlboro Tour organizer at abogadong si Cornelio Padilla, PCAP president Paquito Rivas, PACA president Ponciano Regalado at Games and Amusement Board chairman Eduardo Villanueva.
Dumating din ang mga dating tour heroes na sina Renato Dolosa, Placido Valdez, Carlo Guieb, Victor Espiritu at Warren Davadilla na nagpahayag ng kanilang pasasalamat kay Lina sa muling pagbabalik ng tour.
Kabilang sa mga kalahok na koponan sa Tour of Calabarzon ay ang Pangasinan, Ilocandia, Visayas, Mindanao, Central Luzon, National Capital Region, Cagayan Valley, Nueva Ecija, Laguna, Rizal at Bicol.