Umabot sa 1,500 atleta at opisyales mula sa 15 rehiyon ang magpapamalas ng kani-kanilang talento sa apat na events--ang athletics, baseball, basketball at volleyball sa isang linggong tournament na iho-host ng Cebu sa kauna-unahang pagkakataon mula ng simulan ang naturang sportsfest at muling binuhay noong nakaraang taon sa Pampanga matapos na hindi ito idaos ng ilang taon.
Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon sa nakalipas na walong taon na magiging punong abala ang Cebu sa isang sportsfest magmula noong 1994 Palarong Pambansa na ginanap sa Aballana Sports Complex.
Panauhing pandangal si Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain sa opening ceremony kasama sina PRISAA national chairman and Clark Development Corporation chief Manny Angeles, PRISAA national president Matias "Bombi" Aznar, PABA president Hector Nava-sero at City Mayor Tomas Osmeña.
Inimbitahan din sa sim-pleng seremonyas ang ilang matataas na opisyales ng Cebu City Sports Commission sa pangunguna ni Jonathan Guardo, gayundin ang City Council at para pasiglahin ang nasabing pagtitipon na siyang magsisilbing simula ng mga malalaking sportsfest na idaraos sa siyudad na ito.