Si Bunn pa rin ang magsisilbing isa sa mga imports ng Thunder mamayang gabi sa pakikipagtunggali nito sa nangungunang Purefoods Tender Juicy Hotdogs. Wala naman kasing nakataya sa labanan ng Red Bull at Purefoods kundi placing. May twice-to-beat advantage na ang Hotdogs sa quarterfinals samantalang pasok na rin sa susunod na yugto ang Thunder subalit hindi na sila makakakuha pa ng magandang bentahe kahit na talunin pa nila ang kalaban.
Kumbaga, placing na lamang ang pinaglalabanan ng dalawang koponan at hindi naman puwedeng i-predict ng Red Bull kung sino ang makakalaban nito sa quarterfinals dahil sa may dalawang laro pang nalalabi bukas.
Ayon kasi sa reports ay mayroong injury si Bunn kung kayat hindi na siya kasing prolific na tulad ng ginawa niya sa mga unang laro ng Thunder. Bumaba na ang kanyang scoring average.
Pero sa tutoo lang, medyo nagsasapawan sina Bunn at Antonio Lang na humalili kay Julius Nwosu na nagkaroon ng injury. Pareho lang kasi ang laro ng dalawang imports na ito at tila walang nagbibigay sa kanilang dalawa.
Itoy taliwas sa tambalang Bunn at Nwosu kung saan si Bunn ang siyang kamador samantalang si Nwosu ay nakukuntento na lang sa pagkuha ng rebounds at pag-follow up sa mga iminintis na tira ng kanyang kakampi. Kumbagay okay lang kay Nwosu na nasa background siya at gumagawa ng maliliit na bagay na nakakatulong din naman sa kanyang koponan.
Iba si Lang. Gusto rin ni Lang na maging take-charge guy dahil ito naman ang dati niyang trabaho noong isang taon kung saan tinulungan niya ang Red Bull na magkampeon sa Commissioners Cup at itinanghal pa nga siyang Best Import. Hindi naman puwedeng nasa background lamang ang isang dating Best Import awardee, no?
Gusto sana ng Batang Red Bull na kunin ang dating Talk N Text import na si Silas Mills. Kaya lang ay may commitment pa ito sa Italian League at hindi kaagad makapunta sa Pilipinas. Baka sakaling sa isang linggo pa siya maging available.
Pero kung magpapalit pa ng import ang Batang Red Bull para sa quarterfinals kung saan ang kanilang makakalaban ay mayroong twice-to-beat advantage, baka makasama pa ito kaysa sa makabuti. Kasi ngay kakailanganin pa ng kanilang bagong import na mag-adjust sa kanilang laro. Baka hindi kaagad nila mapakinabangan ang hahalili kay Bunn. Sayang lang ang pera nila. Sayang lang ang effort.
Sa ngayon siguroy kailangang kausapin ni coach Joseller Yeng Guiao ang kanyang mga imports at ipaintindi sa kanila na kailangang magsakripisyo ang isa para sa kapakanan ng kanilang koponan.
Pareho namang mahusay sina Bunn at Lang. Kung magkakasundo sila sa loob ng hardcourt at magkakaroon ng division of labor, baka sakaling magwagi sila nang dalawang beses sa quarterfinals at makaabot pa sa semis.
Pag nasa semis na sila, abay yun ang tinatawag na "brand new ballgame