RP-Youth walang sinabi sa Green Archers
April 18, 2002 | 12:00am
Pinasiklaban ng ICTSI-La Salle ang RP-Youth Burlington, 106-59 kahapon upang makisalo sa ikalawang puwesto sa kasalukuyang elimination ng PBL Chairmans Cup sa Makati Coliseum.
Umiskor si Bernzon Franco ng 18 puntos, habang nagdagdag naman sina Adonis Sta. Maria at Willy Wilson ng 16 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod sa isang lopsided na laro na nagpaganda sa kartada ng ICTSI-La Salle sa 3-1.
Hindi lang kontrolado ng ICTSI-La Salle ang boards, 51-36 kundi humakot din sila ng 23 offensive rebounds points at panibagong18 puntos mula sa fastbreaks at napuwersa nila ang kalaban sa 34 turnovers para sa 42 puntos.
Tanging sa 6-11 bentahe lamang nakagawa ng oposisyon ang RP Burlington sa unang apat na minuto bago nagpausok sina Wilson at Nelbert Omolon ng 28-7 bomba na siyang humatak sa ICTSI-La Salle sa 39-13 bentahe sa pagtatapos ng nasabing yugto.
Tumapyas si Franco ng 12 puntos sa second quarter upang higit pang palakihin ang kanilang pundasyon sa 43 puntos, 83-40 may 2:51 ang nalalabi sa third canto.
Sinikap ng RP-Burlington na bumangon sa likod ni Hermes Sumali-nog at Tim Gatchalian, subalit naibaba lang nila ang kalamangan sa 35 puntos, 50-85 sa kalagitnaan ng final canto.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended