^

PSN Palaro

Shark Energy babangon

-
Ang makaahon mula sa masamang 0-2 panimula ang nais na isakatuparan ngayong araw ng Shark Energy Drink sa kanilang nakatakdang engkuwentro ng John-O Juzz sa pagpapatuloy ng PBL Chairman’s Cup na dadayo sa Pasig Sports Complex.

Nakatakda ang upakan ng Juzzers at ng Power Boosters sa alas-6 ng gabi matapos ang sagupaan sa pagitan ng Ana Freezers at Kutitap Toothpaste sa alas-4 bilang pampagana.

Sa kasalukuyang katayuan, ang Power Boosters kasama ang RP Team ang siyang nasa kulelat na katayuan sanhi ng kanilang magkawangis na 0-2 record, habang nagtataglay naman ang Juzzers ng 2-1 kartada.

Para sa Power Boosters, ang ikatlong sunod na pagkatalo ay lubhang napakahirap na sa kanilang kampanya kung kaya’t inaasahang gagawa ang tropa ni coach Leo Austria ng intensibong opensa upang makapasok na rin sa win column.

Tangka naman ng Kutitap na nag-iingat ng 2-0 record na makasosyo sa pansamantalang liderato, ang pahingang Ateneo, na mayroong 3-0 kartada.

Gagamitin ng Kutitap ang kanilang mataas na morale bunga ng kanilang nakaraang 85-71 panalo kontra sa RP-Burlington upang masustinihan ang kanilang winning form.

vuukle comment

ANA FREEZERS

ATENEO

BURLINGTON

JOHN-O JUZZ

JUZZERS

KUTITAP

KUTITAP TOOTHPASTE

LEO AUSTRIA

PASIG SPORTS COMPLEX

POWER BOOSTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with