Batang QC Olympics
April 14, 2002 | 12:00am
Iniimbitahan ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr., ang lahat ng mga kabataan sa nasabing siyudad na lumahok sa 1st Batang Q.C. Olympics 2002 na magsisimula sa Abril 21-Mayo 5 sa Amoranto Sports Complex sa Roces Avenue.
Ang naturang dalawang linggong sports competition na may temang "Batang Q.C. sa Palakasan.....Palaban" ay inilunsad ng city government sa pamamagitan ng Sports Development Council at ng Sangguniang Kabataan ay bukas para sa lahat ng mga batang taga-Quezon City na may edad 9-15.
Ayon kay Belmonte, kasalukuyan ng ginaganap ang patalaan sa 142 barangays ng siyudad. Ang kalahok ay kailangang magparehistro sa barangay kung saan kakatawanin niya ito sa nabanggit na sportsfest.
Ayon sa butihing Mayor, ang nasabing palakasan ay kanyang idinisenyo upang mahikayat ang mga kabataan na ipokus ang kanilang atensiyon sa sports activities at malayo sa mga kaguluhan na magdadala sa kanila sa loob ng bilangguan, mailihis sila sa pag-iinom, droga, pagsusugal at iba pang bisyo na maaaring makasira sa kanilang kinabukasan.
Ayon pa kay Belmonte, umaasa siya na sa pamamagitan ng naturang sportsfest, mapapalawig niya ang kanyang relasyon sa mga inter-barangay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am