Pumili ng magandang sports clinic
April 4, 2002 | 12:00am
Tag-araw na naman, at nagsabog na ang mga nagtaguyod ng mga sports clinic para sa mga kabataan. Bagamat maraming mga magulang ang natutuwa dahil mayroon silang pag-iiwanan ng kanilang mga anak habang silay tumutupad sa ibang mga tungkulin, kailangang bigyan din ng kaunting pag-iingat ang pagpili ng sports clinic.
May mga ilang kaso na rin na nasaktan o natakot ang ilang maliliit na bata dahil sa di pag-iingat ng mga nagtuturo sa kanila ng bagong sport. Ito ang ilang alituntunin para maiwasan ang kapahamakan sa inyong anak.
Pumili ng may pangalan. Ito ang pinakamadaling sundin para makasigurado. Baka mayroon kayong kilalang nagbibigay ng mga swimming classes o nagtuturo ng karate na hindi kilala. Iwasan ninyo ito. Baka makamura nga kayo, pero mababawi rin ito sa pagpapagamot sa inyong anak, o kayay habang-buhay itong matakot sa sport na itinuro sa kanya. May ilang batang hindi handa na ihagis sila sa swimming pool (na matagal ding nauso).
Pangalawa, tanungin kung namimigay ng certification ang mga nagtuturo. Balewala ang pag-aaral ng bata kung walang katibayan na natapos niya ang pagsasanay. At sisiguraduhing hindi lamang gawa-gawa ang certificate of participation na ibibigay sa inyong anak.
Pangatlo, samahan ang inyong anak, kahit sa unang araw man lang. Nakakatakot kung minsan sa isang maliit na bata ang makihalo sa napakaraming taong hindi niya kilala.
Pang-apat, tanungin din ang inyong anak kung iyon ang gusto niyang laro. Kung minsan kasi, ipinipilit ng magulang na tuparin ng anak ang mga nabigo niyang pangarap noong siyay bata rin. Hindi iyon ang papel ng bata. Hayaan ninyo siyang sumubok ng gusto niya.
Panlima, siguraduhing may sapat na inumin at pagkain ang bata, lalo na kung siyay pagpapawisan. Mas mabuti na ang nag-iingat.
Pang-anim, huwag manghinayang na patigilin ang inyong anak kung ayaw na nito. Maaaring hindi niya talaga gusto, nasaktan siya, o hindi pa siya handa para sa ganoong klaseng ehersisyo. Mas mainam na kausapin ninyo ng mabuti ang bata, para alam ninyo kung ano ang gusto niya, at kung hanggang saan ang kaya niya.
Kapag nakahanap na kayo ng angkop na sport para sa inyong anak, siguradong matutuwa siya sa paglalaro nito, at masisiyahan kayong may magandang libangan ang inyong supling.
Magbubukas ang Sta. Ana Town Fiesta basketball tournament sa Plaza Hugo, Sta. Ana sa Sabado, ika-6 ng Abril, ganap na alas-4:30 ng hapon. Ito ay sa pagtataguyod ng Sta. Ana Rising Youth. Inaanyayahan ang lahat ng mga nais manood na magtungo lamang sa Plaza Hugo.
May mga ilang kaso na rin na nasaktan o natakot ang ilang maliliit na bata dahil sa di pag-iingat ng mga nagtuturo sa kanila ng bagong sport. Ito ang ilang alituntunin para maiwasan ang kapahamakan sa inyong anak.
Pumili ng may pangalan. Ito ang pinakamadaling sundin para makasigurado. Baka mayroon kayong kilalang nagbibigay ng mga swimming classes o nagtuturo ng karate na hindi kilala. Iwasan ninyo ito. Baka makamura nga kayo, pero mababawi rin ito sa pagpapagamot sa inyong anak, o kayay habang-buhay itong matakot sa sport na itinuro sa kanya. May ilang batang hindi handa na ihagis sila sa swimming pool (na matagal ding nauso).
Pangalawa, tanungin kung namimigay ng certification ang mga nagtuturo. Balewala ang pag-aaral ng bata kung walang katibayan na natapos niya ang pagsasanay. At sisiguraduhing hindi lamang gawa-gawa ang certificate of participation na ibibigay sa inyong anak.
Pangatlo, samahan ang inyong anak, kahit sa unang araw man lang. Nakakatakot kung minsan sa isang maliit na bata ang makihalo sa napakaraming taong hindi niya kilala.
Pang-apat, tanungin din ang inyong anak kung iyon ang gusto niyang laro. Kung minsan kasi, ipinipilit ng magulang na tuparin ng anak ang mga nabigo niyang pangarap noong siyay bata rin. Hindi iyon ang papel ng bata. Hayaan ninyo siyang sumubok ng gusto niya.
Panlima, siguraduhing may sapat na inumin at pagkain ang bata, lalo na kung siyay pagpapawisan. Mas mabuti na ang nag-iingat.
Pang-anim, huwag manghinayang na patigilin ang inyong anak kung ayaw na nito. Maaaring hindi niya talaga gusto, nasaktan siya, o hindi pa siya handa para sa ganoong klaseng ehersisyo. Mas mainam na kausapin ninyo ng mabuti ang bata, para alam ninyo kung ano ang gusto niya, at kung hanggang saan ang kaya niya.
Kapag nakahanap na kayo ng angkop na sport para sa inyong anak, siguradong matutuwa siya sa paglalaro nito, at masisiyahan kayong may magandang libangan ang inyong supling.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended


















