Bakbakan nina Rubillar at Gamboa ok na
April 4, 2002 | 12:00am
Isang kasunduan ang isinara nina international boxing promoter Gabriel "Bebot" Elorde Jr., at Japanese boxing manager Joe Koizumi kamakailan para sa umaatikabong bakbakan ng dalawang top-Pinoy fighters.
Nakatakdang ipagtanggol ni World Boxing Council (WBC) International lightweight champion Juanito Rubillar ang kanyang korona kontra dating World Boxing Association (WBA) minimumweight World Champion Joma Gamboa.
Unang inialok ni Bebot Elorde ang WBC minimumweight title na kasalukuyang hawak ni Ernesto Rubillar, ang nakatatandang kapatid ni Juanito, ngunit tinanggihan ito ng kampo ni Gamboa sa dahilang nais na niyang umakyat sa mas mataas na timbang.
"Joma has outgrown the 105-pound class since he had a weight problem in his last world title bout here (in Japan), so he will campaign as a 108-pounder from now on," pahayag ni Koizumi.
Ang nasabing laban ay nakatakdang maganap sa darating na Mayo 18.
Ito ang ikaapat na pagtatanggol ni Rubillar sa prestihiyosong title mula ng kanya itong makamit noong May. 27 laban kay Jin Ho Kim ng Korea.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended