Sa isang eksklusibong panayam sa Pilipino Star Ngayon, sinabi ni Valleydawgs vice-president at general manager na si Sam Unera, "May kasunduan na kami ng FedEx. Kami ang gagawin nilang farm team dito sa Amerika. Payag na ang FedEx, dahil malaki ang magiging pakinabang nila kay Yancy pagbalik niya para sa 3rd Conference. Kaya lang, magsisimula na kami sa April 10. Kailangang magdesisyon na si Yancy."
Katatapos lamang ng unang round ng tryouts para sa Valleydawgs. Ang nagpatakbo ng tryouts ay walang iba kundi si Bonnie Garcia, dating head coach ng FedEx Laguna Lakers. Siya ngayon ang assistant coach ni Darryl Dawkins, na datiy nakabasag ng isang board noong siyay nasa Philadelphia 76ers sa piling ni Julius "Dr. J" Erving. Mahigit 70 ang nakipagsaparalan, at bawat isa ay nagbayad ng $120 para lamang masali sa tryouts.
"Magagaling ang mga bata rito," lahad ni Garcia. "Pero dalawa lang ang kinuha namin. Lahat magaling sa one-on-one.Pero pag nasama na sa ibang player, nag-iiba ang laro."
Bakit popular ang Pennsylvania Valleydawgs sa USBL? Una, maganda ang palakad ng koponan. Pangalawa, maraming mga coach at scout ng NBA at NBDL (National Basketball Development League) ang naghahanap at namumulot ng player dito. Pangatlo,marami ang fans ng Pennsylvania. Ngayon pa lamang, siyam na sa labinlimang laro nila ay ubos na ang ticket.
Bagamat ganoon katindi ang pagsala nila sa mga player, hinihintay pa rin ng Valleydawgs si Yancy. Liban pa sa championship experience nito sa PBL, magiging malaking karangalan para sa bata ang mapasok sa USBL. Malay natin, isang lukso lang ng bakod, makapunta pa siya sa NBA.
"Gusto naming matulungan ang mga kababayan nating makapasok dito," dagdag pa ni Unera."Nandito na si Bonnie, at sa tingin namin pareho,malaki ang potential ni Yancy. Ang pagkakilala ng mga player dito sa Amerika, ang Pilipinas ang "little NBA" ng Asya. Pag narinig nila ang Pilipinas, gusto nilang lahat makalaro diyan. Pero bakit ang unang nakalaro sa NBA, Intsik?"
Dagdag pa ni Unera na maraming scout ng mga NBA teams ang nanonood ng USBL, dahil halos lahat ng player nito ay galing sa Division 1 ng NCAA.
"Si Wang Zhizhi din naman noong una, naiiwanan din. Pero nakakasabay na siya ngayon. Ganoon din ang palagay naming potensiyal ni Yancy," sabi ni Unera."Nasa sa kanya na lang talaga iyan. Baka iniisip niyang mawawala sa kanya yung Rookie of the Year award sa PBA. Pero kung malaki ang ikakaganda ng career niya ritot payag naman ang FedEx, ano pang hinihintay niya?"