^

PSN Palaro

Adamson spikers umaasa na mapasama sa Nestea Boracay National Finlas

-
Sa pag-asang mapasama sa Boracay National Finals, sisikapin ng Adamson University na muling maipamalas ang kanilang dating porma na naghatid sa kanila ng tagumpay sa nakaraang preliminary matches noong Marso 9-10 sa pagpapatuloy ng 6th Nestea Beach Volley University Championships sa La Salle Green Hills sand courts.

Tinalo ng tambalang Hernani Lualhati at Sherwin Meneses ang pareha ng San Beda na sina Jason Amparo at Nemesio Gavino, 21-14 bago isinunod ang duo nina Gerald de Chavez at Zoriel Gaffud ng New Era University, 21-7 upang kumpletuhin ang kanilang three game sweep sa Group D ng men’s division.

Ang iba pang makikipag-sapalaran para sa nasabing slot ay ang Letran College, PATTS, Far Eastern University, University of the East at University of Sto. Tomas sa men’s division at Mapua, Letran, St. Jude College, University of the East, Philippine Christian University, Adamson, Fatima College at National University sa women’s side.

Matapos ang 21-8 panalo kontra FATIMA, sisimulan ng UST ang kanilang kampanya sa Abril 5 at 6 upang pamunuan ang iba pang koponan na kakampanya sa Group E, F, G at H na ang top 16 teams mula sa bawat division ang siyang uusad sa susunod na phase na nakatakda sa susunod na araw.

Ang apat na koponan sa parehong division na may pinakamagandang record na naitala sa qualifier matches round-of-16 ang siyang uusad sa finals na nakatakda sa Mayo 11-12 sa paradise island sa Boracay kung saan may top prize na P100,000 ang nakataya.

Sinusuportahan ng Nestea Iced Tea, magkakaroon din ang nasabing event ng Luzon elimination mula Abril 13-14 at ng qualifier sa Visayas-Mindanao teams mula sa Abril 17-18 bago tumungo sa Boracay National Finals.

vuukle comment

ABRIL

ADAMSON UNIVERSITY

BORACAY NATIONAL FINALS

FAR EASTERN UNIVERSITY

FATIMA COLLEGE

GROUP D

GROUP E

HERNANI LUALHATI

UNIVERSITY

UNIVERSITY OF THE EAST

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with