Humakot ang CCP athletes ng 97 puntos nang kanilang higitan ang University of Assumption of Pampanga na nakuntento lamang sa runner-up.
Nasungkit ng Pampangueños ang mens basketball titles at mens table tennis plum na naghatid sa kanila ng 88 puntos.
Angat naman ang UAP bets ng apat na puntos sa Philippine Maritime Institute na siyang winningest school sa liga nang kanilang makuha ang womens basketball, mens volleyball at womens volleyball.
Nakalikom ang PMI ng 84 puntos, habang nalampasan naman ng Mariners ang Technological Institute of the Philippines na may 78 puntos matapos na ibulsa ang korona sa mens badminton.
Nabigo naman ang Trinity College na muling maipadama ang kanilang supremidad sa exhibition event na mens swimming ng tumapos lamang ito ng ikalimang puwesto sa kanilang 68 puntos.