Spring Cooking Oil vs Aspac-Textmaco
March 10, 2002 | 12:00am
Masusubukan ng RP-Spring Cooking Oil ang lakas ng Aspac-Textmaco ng Indonesia sa alas-4 ng hapon sa pagbubukas ng Southeast Asia Basketball Association (SEABA) Champions Cup for Men sa Cebu Coliseum.
Mapapasabak ng husto ang seven-time Best Import awardee Bobby Parks na siyang babandera sa kampanya ng Cooking Oil Experts sa reinforcement ng Indonesia na si dating Pop Cola import at 6-foot-9 Joe Hooks at Khalid Reeves, dating miyembro ng Chicago Bulls.
Maghaharap naman sa second game sa alas-5:30 ng hapon ang Tong Wyne-Singapore at Petronas Malaysia.
Nagpadala rin ang defending champion Philippines ng second team ang RP-Guardo Lhuillier, isang selection mula sa Cebu Basketball League players na hahawakan ni Yayoy Alcoseba at ex-pro Elmer Cabahug na nakatakdang lumaro sa Marso 11.
Isang simpleng seremonyas na magsisimula sa alas tres ng hapon na tatampukan ni Cebu City Mayor Tommy Osmeña ang mangunguna sa listahan ng mga panauhin na kinabibilangan nina Philippine Olympic Committee chairman Roberto Aventajado, Philippine Sports Commission chairman Eric Buhain, Basketball Association of the Philippines president Quinteliano Tiny Literal at Cebu City Sports Commission chairman Jonathan Guardo.
Ang format ng tournament ay isang single round-robin na ang top two teams ang siyang uusad sa winner-take-all finals at siyang mabibigyan ng karapatang katawanin ang bansa sa 13th Asian Basketball Confederation (ABC) Champions Cup na nakatakda sa Abril 28-Mayo 5 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended