Ikatlong sunod na panalo asam ng Talk 'N Text
March 7, 2002 | 12:00am
Maikunekta ang ikatlong sunod na panalo ang hangad ng Talk N Text laban sa Sta. Lucia Realty na magpaparada ng bagong import sa pagpapatuloy ng elimination ng PBA-Samsung Governors Cup sa Makati Coliseum.
Isasalang ng Realtors si Mark Anthony Davis sa kanilang pakikipagsagu-pa sa Phone Pals sa nag-iisang laro ngayon na sisi-mulan sa ganap na alas-6 ng gabi.
Ang 6-7 na si Davis ay pumalit kay Leland Mc-Dougal na pinauwi ng Sta. Lucia dahil hindi nila ito ganap na napapakinabangan.
"He (McDougal) cannot compensate with the absence of Marlou Aquino and Dennis Espino," pahayag ni coach Norman Black ng Sta. Lucia na nagpahiram sa kanilang dalawang star players sa national team na nagta-tryout para sa Pambansang koponan na ipapadala sa Busan Asian Games sa darating na Setyembre.
Si Davis ay beterano ng National Basketball Association kung saan nakapaglaro ito sa Minnesota Timberwolves, Philadelphia 76ers at Miami Heat.
Inaasahang ibayong tulong ang maibibigay ni Davis kay Victor Thomas upang makabangon ang Sta. Lucia sa 83-93 pagkatalo kontra sa FedEx noong Marso 1 sa Caruncho Gym sa Pasig kung saan limang puntos lamang ang naisumite ni McDougal.
Sina Phone Pals import Richard Frahm at Gerald Honycutt ang susubok sa galing ni Davis at Thomas, isa ring replacement import na pumalit sa nauna ng nasibak na si Johnny Taylor.
Magiging tinik sa lalamunan ng Sta. Lucia si Frahm na nanguna sa 82-81 pamamayani ng Phone Pals kontra sa San Miguel Beer kung saan nagtala ito ng 31 puntos, 6 rebounds at 9 assists.
Ang Realtors ay may 1-2 panalo-talo, habang ang Talk N Text ay nag-iingat ng 2-1 kartada sa likod ng Alaska Aces, Purefods TJ Hotdogs, RP-Hapee at Batang Red Bull na magkakasosyo sa liderato taglay ang 3-1 record kasunod ang Coca-Cola na nagtataglay ng 3-2 panalo-talo baraha. (Ulat ni Carmela V Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am