Sala hari ng Shell 2T trike tilt

Si Rodel Sala ang siyang naghari sa unang yugto ng Shell 2T Triple Tricycle King Challenge 2002 na ginanap kamakailan sa Lapu-Lapu Avenue, Dagat-Dagatan Navotas kung saan may malaking bilang (436) na tricycle entries ang sumali, ayon kay event organizer RACE Motorsports Club president Bing Bang Dulce.

Pumangalawa naman si Aristotle Fermin habang si Ernesto de Ocampo ang pumangatlo sa taunang event na ito na itinataguyod ng Shell 2T Triple motor, gear oils at Fuji Film. Ang nagkamit ng Best Looking Tricycle award ay sina Edwin Gaspar, Ronaldo San Juan at Florencio Uga.

Show comments