Haharapin ni Jamili si Alfred Nagal sa nalalapit na boxing event na presinta ng Elorde International Productions sa ilalim ng premier boxing promoter Gabriel "Bebot" Elorde Jr., ngayong Linggo Peb. 17 simula sa alas-6 ng gabi sa Elorde Sports Complex sa Parañaque City.
Huling sumabak sa aksiyon si Jamili noong Hunyo 4 kontra George Arcenal na ginanap sa Guam, USA. Si Jamili ay agad na napabagsak ni Arcenal sa loob lamang ng ilang segundo ng kanilang laban.
Kinoronahan ni Jamili ang kanyang sarili bilang World Boxing Organization (WBO) Strawweight champion noong Dec. 19, 1997 na ginanap sa London, England. Nagwagi si Jamili sa pamamagitan ng technical knockout sa 8th round kontra Englands Mickey Cantwell upang makopo ang bakanteng titulo.
At sa Linggo, sisikapin ni Jamili na muling maibalik ang dati niyang porma kung saan tangka niyang agad na matalo si Nagal.
Ang iba pang laban sa event na ito ay ang sagupaan sa pagitan nina Junie Coma-Roy Tarazona para sa 10-rounds ng flyweight division bilang supporting bouts.