Makaraang makaunang umiskor ang Couriers ng isang run sa second inning mula sa pitcher na si Edward Diviello, kumana ang Mariners sa pangunguna ni Andy de Rossi na nagposte ng limang runs nang kanyang pa-iskorin sina Kirk Long, Ian Macapinlac, Mike de Rossi, Dino Pascual at David Stapleton.
Mula dito, hindi na nagawa pang lumingon ng TNT sa sumunod na tatlong frames kung saan tuluyan ng inilubog ng Mariners ang kanilang kalaban sa pamamagitan ng two-run home run sa ikalimang inning ni Macapinlac.
Bunga nito, makakaharap ng Mariners na tumapos ng 9-4 win-loss slate ang finalist ng Alabang Reds na mayroong impresibong 12-1 kartada para sa korona sa Sabado sa Manila Polo Club.