^

PSN Palaro

PBA Governors Cup di-dribol na ngayon

-
Sasambulat na ngayon ang pinakahihintay na pagbubukas ng 2002 season ng Philippine Basketball Association sa Araneta Coliseum.

Bubuksan ng mga bagitong koponan ng FedEx Express at ng Coca-Cola Tigers ang season-opener Samsung Governors Cup bilang opening game sa dakong alas-5:30 ng hapon.

Magkakasubukan ng lakas sina coach Chot Reyes ng Tigers at Derick Pumaren ng FedEx para sa buwenamanong panalo sa ika-28th season na ito ng PBA.

Isang magarbong opening ceremonies ang matutunghayan sa ganap na alas-4:00 ng hapon kung saan paparada ang 10 koponan kasama ang dalawang RP Candidates Teams ang RP-Hapee at RP-Selecta.

Aminado si Reyes na mahina ang kanyang line-up sa pagkawala ng limang starters na ipapahiram sa Candidates pool, ngunit nangako itong magbibigay sila ng magandang laban sa kanilang mga makakatunggali.

Tulad ng Coca-Cola, puro bagito rin ang bumubuo ng line-up ng FedEx kaya’t siguradong magkakapaan pa ang mga ito sa laro.

Ngunit dahil mas nauna nang nakapag-ensayo ang FedEx, ito ang inaasahan ni Pumaren na kanilang magiging bentahe kontra sa Tigers.

Dahil nasa national pool sina Johnny Abarrientos, Poch Juinio, Rudy Hatfield, Jeffrey Cariaso at ang no.2 pick na si Rafi Raevis, sasandal ang Tigers sa kanilang reinforcements na sina Roselle Ellis at Fred Williams.

Naririyan din ang mga locals na sina Freddie Abuda, William Antonio, Estong Ballesteros, Lowell Briones, Chris Bolado at Allan Gamboa.

Sina imports Rhodick Rhodes at Jermaine Walker naman ang aasahan ng FedEx na susuportahan naman ng mga beteranong sina Jerry Codiñera, Dindo Pumaren, Zaldy Realubit, balik-PBA na si Bong Alvarez at Wynne Arboleda.

Bagamat nasa kampo ng Express ang top pick na si Yancy de Ocampo, ipapahiram naman ito sa national pool kaya’t makakapag-deliver din ang mga bagitong sina Oscar Simon, David Friedhof, Egay Billones, Ryan Ber-nardo at Danilo Capobres.

Inaasahang magpapakitang gilas din ang mga rookies na sina Jojo Manalo, Jason Misola, Leo Avenido, at Gilbert Lao para sa Tigers.

ALLAN GAMBOA

ARANETA COLISEUM

BONG ALVAREZ

CANDIDATES TEAMS

CHOT REYES

CHRIS BOLADO

COCA-COLA TIGERS

DANILO CAPOBRES

SINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with