^

PSN Palaro

Malaki ang pagod at hirap ng Shark

-
Anumang bagay na nawala ay may magandang kapalit, ika nga.

Ito ang nangyari sa Shark Energy Drinks na nagsukbit ng back-to-back title sa katatapos lamang na PBL Challenge Cup matapos talunin ang mahigpit na karibal na Welcoat Paints sa best-of-seven championship series sa 4-1 panalo-talo.

Sa loob ng anim na buwang pakikibaka ng Power Boosters bago matagumpay na maidepensa ang kanilang naagaw na titulo kontra sa Paint Masters, maraming naging masamang karanasan ang tropa ng Shark.

"Nanakawan ‘yung tatlong van namin nu’ng nasa Baguio kami, tumaob naman ‘yung sasakyan ni (Rolly Basilides, tapos nanakawan ang bahay ni (team owner) Raul Panlilio and then nasunugan ‘yung physical therapist namin sa Tambo, Parañaque," ang kwento ni coach Leo Austria.

"Nasugatan naman ‘yung binti ni Gilbert Malabanan sa practice sa track and field sa Perpetual, nabundol ang six-year old na anak ni Topex (Robinson), tapos nabasag ang nose bridge ni Gerard (Ortega) in our game againts Montana."

Ngunit ang lahat nang ito ay nalimutan ng Shark sa isang iglap nang kani-lang makopo ang titulo matapos ang 64-58 panalo sa Game-Five makaraang ipagkait ng Welcoat ang sweep sa serye.

"Siguro talagang may ibibigay sa amin si Lord kaya nangyari ang lahat ng ito sa team for the past six months. Nagpapasalamat na lang ako at nag-champion kami," ani Austria.

"This is much sweeter dahil ang laking hirap na dinaanan namin going into the finals. Somehow, it enhanced the mental toughness of the boys and prepared us well for this championship."

ANUMANG

CHALLENGE CUP

GILBERT MALABANAN

LEO AUSTRIA

PAINT MASTERS

POWER BOOSTERS

RAUL PANLILIO

ROLLY BASILIDES

WELCOAT PAINTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with