^

PSN Palaro

Shark Champion na sa PBL Challenge Cup !

-
Hindi naging hadlang sa Shark Energy Drink ang mabigat na hamong ibinigay ng Welcoat Paints upang matagumpay na maidepensa ang titulo sa PBL Challenge Cup matapos ang pinaghirapang 64-58 overtime panalo sa Game Five kagabi na dinayong Makati Coliseum.

Kinumpleto ni Chester Tolomia ang tatlong free-throws mula sa foul ni Jojo Manalo upang agawin ang kalamangan sa 60-58 mula sa 57-58 pagkakahuli.

Higit pang lumayo ang Shark nang umiskor si Rysal Castro ng basket at dalawang free-throws mula kay Warren Ybañez mula sa foul ni Manalo para sa panigurong 64-58 kalamangan, 28 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.

Bagamat sinikap pa ng Welcoat na pigilan ang pagdiriwang ng Power Boosters, minalas naman sina Manalo na nagmintis sa kanyang triple at sinundan pa ng error ni Renren Ritualo.

"Unang-una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Itaas. Siguro ang key dito is talagang ipinakita ng mga players na nandon ang kanilang determinasyon at puso para manalo," pahayag ni coach Leo Austria.

Pinangunahan ni Castro ang Shark sa kanyang tinapos na 20-puntos.

vuukle comment

CHALLENGE CUP

CHESTER TOLOMIA

GAME FIVE

JOJO MANALO

LEO AUSTRIA

MAKATI COLISEUM

MANALO

POWER BOOSTERS

RENREN RITUALO

RYSAL CASTRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with