^

PSN Palaro

Dominasyon ng Adamson winakasan ng UP sa softball

-
Kumana sina Jenny Cabral at Lala Enriquez ng tig-isang run-scoring single sa fifth inning upang trangkuhan ang University of the Philippines nang wakasan ng Maroonettes ang dominasyon ng Adamson Lady Falcons sa iskor na 4-2 kahapon sa kanilang titular showdown sa UAAP Women’s softball tournament sa University of Santo Tomas field.

Ito ang ikaapat na koronang naisubi ng UP sa kanilang walong taong pagsali sa tournament na siyang kumitil sa paghahari ng Adamson.

Sinimulan ng State U nine ang kanilang pananalasa sa first inning nang apat na batters nila ang pumalo ng hindi bababa sa single na siyang nagkaloob sa Maroonettes ng 2-0 kalamangan.

Sa sumunod na play, pinausad ni Jessica Duenas si Cabral sa third base mula sa single to left field bago tuluyang umiskor si Cabral mula sa single to right field na sapat na para sa kanilang panalo.

vuukle comment

ADAMSON

ADAMSON LADY FALCONS

CABRAL

JENNY CABRAL

JESSICA DUENAS

LALA ENRIQUEZ

MAROONETTES

STATE U

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with