Gumawa ng eksena ang No. 3 rider ng Philippine team nang kanyang sapa-wan ang mga big guns ng Le Tour de Langkawi nang pangunahan nito ang individual time trial Stage 1 na sumorpresa sa mga Europeans at top bets ng Asya.
Tinahak ni Quirimit ang maigsing 20.3-kilometrong ruta ng intelligent city na ito kung saan matatagpuan ang Federal government ministries, departments at agencies, sa oras na 26:23.47, sobra-sobra pa para mahawakan nito ang liderato sa Asya.
Tatlumput walong segundo naman ang agwat ng Asian Games gold meda-lists Gader Mizbani ng Iran na kumatawan ng Telekom All-Stars kasunod ang top rider ng Japan na si Makoto Iijima na may 58 segundo ang layo.
Hindi kasama sa top 10 ang Telekom All-Star mainstay na si Wong at ang best rider ng RP na si Espiritu na lalong nagbigay kinang sa panalo ni Quirimit na kinagigiliwan ngayon dito.
"Ensayado lang siguro," wika ng mahiyaing si Quirimit na mas maganda pa ang oras sa defending champion Carlo Lanfranchi (Alexia Allumino) na may tiyempong 26:25.82, 1:28 ang layo sa nangungunang si Robert Hunter ng Mapei Quickstep.
Sa likod ng magandang performance ni Quirimit, nasa third overall pa rin ang Team Philippines sa Asian category sa isinumiteng kabuuang tiyempo na 1:24.27, 1:53 ang layo sa nangungunang Japan.