^

PSN Palaro

Querimit nagparamdamsa Tour de Langkawi

-
PUTRA JAYA -- Tabi tabi muna sina Wong Kam Po, Tonton Susanto at Victor Espiritu. Bigyang daan si Arnel Quirimit.

Gumawa ng eksena ang No. 3 rider ng Philippine team nang kanyang sapa-wan ang mga big guns ng Le Tour de Langkawi nang pangunahan nito ang individual time trial Stage 1 na sumorpresa sa mga Europeans at top bets ng Asya.

Tinahak ni Quirimit ang maigsing 20.3-kilometrong ruta ng ‘intelligent city’ na ito kung saan matatagpuan ang Federal government ministries, departments at agencies, sa oras na 26:23.47, sobra-sobra pa para mahawakan nito ang liderato sa Asya.

Tatlumpu’t walong segundo naman ang agwat ng Asian Games gold meda-lists Gader Mizbani ng Iran na kumatawan ng Telekom All-Stars kasunod ang top rider ng Japan na si Makoto Iijima na may 58 segundo ang layo.

Hindi kasama sa top 10 ang Telekom All-Star mainstay na si Wong at ang best rider ng RP na si Espiritu na lalong nagbigay kinang sa panalo ni Quirimit na kinagigiliwan ngayon dito.

"Ensayado lang siguro," wika ng mahiyaing si Quirimit na mas maganda pa ang oras sa defending champion Carlo Lanfranchi (Alexia Allumino) na may tiyempong 26:25.82, 1:28 ang layo sa nangungunang si Robert Hunter ng Mapei Quickstep.

Sa likod ng magandang performance ni Quirimit, nasa third overall pa rin ang Team Philippines sa Asian category sa isinumiteng kabuuang tiyempo na 1:24.27, 1:53 ang layo sa nangungunang Japan.

vuukle comment

ALEXIA ALLUMINO

ARNEL QUIRIMIT

ASIAN GAMES

ASYA

CARLO LANFRANCHI

GADER MIZBANI

LE TOUR

MAKOTO IIJIMA

MAPEI QUICKSTEP

QUIRIMIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with