Welcoat babawi
February 2, 2002 | 12:00am
Wala na ba ang dating Welcoat na naging four time champion ng Philippine Basketball League?
Kailangang makagawa ngayon ng paraan si Welcoat mentor Junel Baculi na makabawi at pigilan ang defending champion Shark Energy Drink na makalapit sa titulo ng PBL-Alaxan Challenge Cup sa Makati Coliseum.
Magsisimula ang laro sa alas-3:30 ng hapon kung saan tangka ng Power Boosters ang 3-0 bentahe sa best-of-seven championship series.
Muli namang magtutuos ang Kutitap Toothpaste at ICTSI-La Salle sa sudden-death match para sa konsolasyong ikatlong puwesto sa ala-1:30 ng hapon.
Nakamit ng Shark ang 2-0 kalamangan matapos ang 67-58 panalo sa Game Two noong Huwebes at tila patungo na sa sweep na magbibigay sa kanilang tsansang makaganti sa 0-4 pagkatalo sa PBL Chairmans Cup na nakopo ng Paint Masters.
Sa naturang laro, tila nawala ang composure ng Welcoat sa huling limang minuto ng labanan kung saan ang Power Boosters ay nakalayo ng hanggang 12-puntos, 62-50 patungong huling tatlong minuto ng labanan.
"Were not thinking of that because we know that Welcoat Paints will really try to bounce back and stay alive in this series. I even told the boys to even better the intensity and be more cautious especially down the stretch," ani Shark coach Leo Austria.
"But were almost sure of it if we make it 3-0 against them," dagdag nito.
Ngunit may pag-asa pa ang Welcoat, nabaon din ang Power Boosters sa 0-2 ngunit nakabangon para makopo ang titulo sa Challenge Cup.
Bukod sa pagtutuon ng pansin sa depensa, ipinakita ni Baculi na kailangan din nilang tapatan ang intensidad ng Shark at pag-igihan ang kanilang perimeter shooting.
"Breaks were not on our side in the past two game and I hope that the boys will finally show their hearts out to win the game," ani Baculi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended