^

PSN Palaro

UE Warriors dapa sa UP Maroons softball tournament

-
Umiskor ang tournament leader University of the Philippines ng tatlong runs sa first inning upang itala ang kanilang 6-2 panalo kontra University of the East kahapon sa UAAP Softball tournament sa UST field.

Ang panalo ay ikasiyam ng Maroons sa 10 asignatura na nagseguro sa kanila ng ikalawang pagtatapos.

Sinimulan ni Kathy Mariano ang kampanya ng Maroons sa pagkana ng double to left field at umusad patungo sa scoring posisyon sa third base mula sa single to centerfield ni Jessica Duenas na nakarating naman sa second base matapos ang fielder’s choice.

Ito ay sinundan ng sumunod na batter na si Lala Enri-que na gumawa ng triple to right field at kanyang pina-iskor sina Mariano at Duenas.

Ibinigay naman ni Enrique ang 3-0 kalamangan ng Maroons ng umiskor ito sa fielder’s choice.

Mula dito, hindi na pinaporma ng Maroons ang Warriors nang muling manalasa ng dalawang runs upang iposte ang 5-0 kalamangan.

Gayunman, nagawang sumagot ng UE nang tumira naman si Erlinda Pascual ng run scoring double to centerfield na naghatid kay Cliare Escare na nauna ng nakatuntong sa base sa pamamagitan ng single, ngunit mabilis na sumagot ang Maroons ng kumana uli ng isa pang runs sa ikaanim na inning tungo sa kanilang panalo.

vuukle comment

CLIARE ESCARE

ENRIQUE

ERLINDA PASCUAL

GAYUNMAN

IBINIGAY

JESSICA DUENAS

KATHY MARIANO

LALA ENRI

UNIVERSITY OF THE EAST

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with