^

PSN Palaro

Simon, Capobres napupusuan ng Airfreight 2100

-
Kinokonsidera ng pinakabagong koponan ng FedEx na kunin sina Biboy Simon at Danny Capobres, ang dalawang player na natitira sa MBA team ng Airfreight 2100 team owner Bert Lina.

Dahil kandidato si Renren Ritualo sa RP team na nagtra-tryout para sa national team na sasabak sa Asian Ga-mes, sina Simon at Capobres ang inaasahang pupuno sa mababakanteng puwesto.

Hindi pa rin napapapirma ng Fed Ex si Yancy de Ocampo dahil kasalukuyan pa itong naglalaro sa Welcoat na nakapasok sa finals ng PBL Challenge Cup.

Ang no. 8-pick na si Ritualo ay pumirma ng tatlong taong P9 milyong kontrata sa FedEx at inaasahang mas mataas ang makukuha ng top draft pick na si de Ocampo.

Kinukuha ng FedEx bilang import ang first round draft pick ng Houston na si Rhoderick Rhodes noong 1997 at pinagpipilian din sina Venezuelan league standout Raphael Edwards at Jermaine Taylor na kinokonsidera ng Memphis Grizzliez kung saan part owner ang FedEx International.

ASIAN GA

BERT LINA

BIBOY SIMON

CHALLENGE CUP

DANNY CAPOBRES

FED EX

JERMAINE TAYLOR

MEMPHIS GRIZZLIEZ

OCAMPO

RAPHAEL EDWARDS

RENREN RITUALO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with